Advertisements

Poseidonโ€™s Wish

 

What I really wanted for my 29th and 30th

Kung madalas kayo napupunta dito sa wordpress ko at kung may nagbabasa man. Hahaha. Hereโ€™s the list. ๐Ÿ˜ฌ๐Ÿ˜ฌ๐Ÿ˜ฌ๐Ÿ˜ฌ

  • 1 bucket of chicken thigh part ๐Ÿ˜‚
  • Bacon
  • Madaming SPAM ๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚
  • Maraming san mig apple
  • Cake na gundam | superman | starwars
  • Isang plastic ng Mars chocolate
  • Isang box ng curly maggi spaghetti ๐Ÿ˜ฌ๐Ÿ˜ฌ
  • Flashlight para kay baby alex
  • Mug na rubicks cube
  • 3 pcs of Boxer shorts
  • 3 pcs of Boxer briefs
  • Books. Maraming books ๐Ÿ˜ฌ
  • Bean bag
  • Piano ๐ŸŽน
  • Adidas slippers – blue na may white stripes
  • Pair of socks sa iconic ( superman or starwars )
  • Wall clock na white na glow in the dark
  • Bed sheet ( superman ) for single bed at punda hahaha
  • Rush guard na black XL
  • Hoodie Jacket na puti
  • Watch ( kasi nawala ko e )
  • Shoe box
  • Pants sa bench size 36 skinny ๐Ÿ˜ƒ

And TIMEย . Lots of time.

-poseidon

 

Sana.

80280652-D37C-457E-9F5B-006E37CD5887

๐Ÿ“ท: G

Para sa taong nag alaga sakin 3yrs old palang ako.

Para sa taong nagturo sakin kung paano basahin ang โ€œa ba ka daโ€ ang tamang pagsulat ng pangalan ko, pagkulay na walang lagpas, paghatid at sundo sa eskwelahan. Nais kong sabihing namimiss kita.

Para sa taong unang nakaalam ng paborito kong pagkaen. Para sa taong unang nakakita ng talento ko sa pagguhit. Sa taong natutuwa kapag nakakakuha ako ng mataas na marka. Namimiss kita.

Para sa taong binigyan ako ng tinatawag na pamilya.

Namimiss kita.

Para sa taong gustong gusto kong kausap sa mga werdo kong panaginip at walang sawang makikinig.

Para sa taong pinangakuan kong hindi ko iiwan.

Sa taong sabi ko aalagaan ko

Sa taong sabi ko tutuparin namin ang lahat ng pangarap.

Patawad.

Patawad sa paglayo.

Patawad sa hindi pagsagot sa mga tawag mo.

Patawad sa mga pangako na sabi ko kikitain kita pero hindi ako sumisipot.

Patawad kasi hanggang ngayon hindi ko rin kayang patawarin ang sarili ko.

Patawad kasi ang sakit sakit padin

Patawad kasi kahit anong pilit kong subukang sabihin lahat ng nararamdaman ko sayo wala padin.

Patawad sa lahat.

Para sa taong tinuring akong anak niya.

Namimiss kita mama. Sobra. Sobra.

Sana maibalik ko ang dati nung madali pa ang lahat.

 

Cafe Juan

Nov 2016

Isang taon mahigit na kaming hiwalay e. Pero ayun nagkikita padin kami, hindi na maiwasan ang isat isa. Siguro kasi nasa iisang grupo kami e.

Isa na din siguro dun yung ayaw ko din siya mawala bilang kaibigan ko.

Nakailang beses na ba kaming nag away, magbabati, nagkasumbatan na ata which is bad tapos hindi mag uusap. Paulit ulit na nakakainis.

Tapos mamimiss ko siya.

Lagi din niyang sinasabi kasi pamilya tayo.

Haha ikaw lang ata ung taong kahit anong sakit ung sinasabi saken mapapatawad ko padin

Alam ko na hindi naman ako ganun kabuting tao I do stupid things, cold hearted pa nga. Pero I really do appreciate her so much kasi gusto niya padin ako maging bahagi ng buhay niya kahit hindi na kami.

She deserve someone, yung mamahalin siya kasi alam ko kung paano siya magmahal and that guy will be so blessed to have her.

Mahal ko siya. Hindi naman na mawawala yun. ๐Ÿคซ

Poseidon